Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Ang Pangit na Sisiu ng Pato

MALIGAYA NGANG LUBOS doon sa labas ng bayan; niao'i tagarau, ang trigo ai naninilao, ang avena ai verde, at ang damo ai namamandala doon sa murang sakatihan at doon inihahakbang ng ciguena ang kaniang mapupulang paa at humuhuni ng uikang egipcio sa pagkat itong uikang ito ai pinagarálan nia sa kaniang ina. Sa palibot ng parang at ng damuhan nangagtayo ang masusu­kal na kagubátan, at sa gitna ng gubat mai isang malalim na dagátan, sia nga, maligaya ngang tunai na tunai doon sa labas ng bayan! Sa nasisikatan ng arau ai nakatayo ang isang bahai ng mataas na tao, ligid ng malalalim na bambang, at mula sa pader hangang sa tubig ai nagsisibulan ang malala­king punu ng biga at matataas, kaya nga at ang mga bata ai nakasisilong na patíndig sa ilalim; nguni at doo'i masukal na anaki'i katumúkan ng parang. Dito mai nakaupu sa pugad na isang pato na dapat limliman ang kaniang mga sisiu, nguni at halos nayayamot na sia bago mangagputtikan ang mga itlog, at saka pa bihira siang dalauin dahil at minamagaling pa ng mga ibang pato ang maglanguyan sa mga bambang sa umahon at sumilong sa isang dahon ng biga at makipagtaltalan sa kania.
Nang malao'i nagputukan din ang mga itlog na sunud-sunud. "Pip, pip!" ang uika at ang la­hat ng mga itlog ai nangabuhai at ang mga batang bibi ai nagultauan ang ulu.
"Rapp, rapp!" ang uika ng ina at nagraprapan naman silang lahat ayon sa kanilang kaya at nagpabiling-biling sa palibut sa ilalim ng mga murang dahon, pinabayaan naman ng inana sila'i magsipagmalas habang ibig nila sa pagka at ang kulai mura ai mabuti sa mata.
"Ano nga palanglakí ng mundo!" ang sabi ng mga sisiu; palibhasa ai ngaion iba ang kanilang kinalalagian sa noon sila ai nasasaitlog pa.
"Ang isip ba ninio ai ito na ang buung mundó?" ang tanong ng ina. "Yto ai lumalatag pang malayu hangan doon sa kabilang tabí ng halamanan, abut hangán sa bukid ng Cura, nguni at ako'i hindi pa nakakasapit doon! Tipón ba kayo?" ang tanong niang kasunud at tumindig. "Hindi, hindi pa napipisang lahat, naroon pa ang malaking itlog. Gaano pa maglalaon yan? Ako'i mayayamot na!" At muli siang lumimlim.
         "Ano, komusta kayo?" ang sabi ng isang matandang pato na dumating at dumadalau.
         "Tumatagal na totoo itong isang itlog!" ang sabi ng itik na lumilimlim; "ayau pang mapisa; nguni at
suliapan lamang ninio ang iba doon ¿di nga baga sila ang mga kagandagandahang bibi na namalas kailan pa man'? kamukha mandin silang lahat ng kanilang ama; ang hampas-lupa ai hindi man lamang dumarating at ako'i dalauin'"           "Tingnan ko nga ang itlog na hindi mapisa!" ang uika ng matanda. Maniuala kayo sa akin, ya'i isang itlog ng pavo, minsan ai nangyari din sa akin ang kaparis, at lakí ng aking hirap at alaga sa mga sisiu dahil at sila'i takút sa tubig. Hindi ko mandin sila mapalúsung, tinatangai ko at sinisigauan ko sila, nguni at ualang saisai. Tingnan ko nga ang itlog. Sia nga, yan nga'i itlog ng pavo, bayaan ninio sia at turuan pa ninio ang ibang mga anak na lumangoi."
"Lilimlimari ko pa siang sandali" ang sabi ng ítik; matagal nakapaginot lumimlim, makauupu pa akong sumandali!"
"Kayo ang bahala!" ang uika ng matandang itik at umalis.
Ng malao'i napisa ang malaking itlog. "Pip, pip!" ang uika ng sisiu at lumabas; ito'i malaki at pangit. Pinagmasdan sia ng itik na inahin. "Yto'i isang malakas at malaking sisiu ng ítik," ang sabi nia; "alin man sa iba ai hindi nia kamukha; sisiu nga kaya baga ito ng pavo? Ngaion natin malala­man, lulusung sia sa tubig, mapilitan man akong sia'i itulak."
Sa kinabukásan ai mainam at maganda ang panahon. Arau ai sumisikat sa lahat ng biga. Ang itik na inahin ai naparoon sa bangbang kasama ang lahat ng anak; platseh! lumuksú nga sia sa tubig. "Rapp, rapp!" ang uika nia at nagtalúnang sunudsunud ang mga bibi; sila'i natatahunan ng tubig hanggang ulu nguni at muling nalitau at naglanguyang mainam, ang mga paa'i kumakauai ng mag-isa, lahat sila'i nasasa tubig, pati ng pangit at kakatuang bibi ai lumalngoi.
"Hindi nga, hindi nga ito pavo!" ang sahi ng inahin; mas'da't anong galing kumauai, matuid tumayo; anak ko nga siang tunai. At saka maganda rin naman, kung talagá siang pagmamas'dan. Rapp, rapp-Sumunud kayó sa akin, ibig ko kayong akayin at dal'hin sa marangal na bahai, ibig ko kayong ipakilala sa palacio ng mga itik, nguni at lumapit lamang kayong palagi sa akin ng huag kayong mayapakan ng sinoman, at pangilagan ninio ang mga pusa!"
Nások nga silá sa palacio ng mga itik. Kaingai na katakottakot nga sa loob, sa pagkat doo'i mai dalauang ankang nagaagauan sa isang ulu ng igat, at sa katapustapusan ai nahúlug sa kukú ng pusa .
"Mas'dan ninió, ganian nga ang lákad ng mundó!" ang uika ng inahing itik at kinuskus ang kaniang tuka sa pagka at nakakaibig din naman sia sa ulu ng igat. "Lakad kayo!" ang uika. Mag­pilit kayong makapiyak, at iyuku ang iniong liig sa harap niaong matandang ítik doon; sia ang karangaldangalan sa lahat; sia ai dugung-Kastila kaya nga sia totoong mataha; at mas'dan ninio; sia ai mairoong mapulang tauing sa palibot ng paa, yan ai di maabot masahi ng dikit, at ang kalakila­kihang palitanda na maibibigai sa isang itik; malaking lubha ang kaniang kahulugan, na di bagá sia ibig mauala at makilala agad ng háyup man ó tao man. Magraprapan kayo; huag ipapasók ang paa. Ang isang mai pinagkalak'hang bibi ai iniungkang ng magaling ang dalauang paa, paris ng amá at iná; ting'nan ninió ganitó. Ngaion iyuku ang iniong liig at sahihin: "Rapp!"
Sinunud nga nita ito; nguni at pinagmas'dan sila sa palibut ng ibang manga ítik at nagsalitá­ang pasigau: "Ting'nan mó. Ngaion nadaragdagan na naman tayo ng isang kabanan, tila baga hindi pa tayo labis, at pfui! anong kapangit niaong isang bibi, ya'i di natin dápat páyagan!" At kapag­karaka'i linipad sia ng isang itik at kinagat sa liig.
        "Pabayaan mo sia, huag mong galauin!" ang uika ng ina. "Di nia kinikibo ang sinoman!"
        "Sia nga, nguni at napakalakí at di karaniuan" ang sagot ng mangangagat na itik, "at dahilan dito ai dapat siang mahimulmulan!"
"Magaganda ang mga inakai ng inahin," ang sabi ng itik na mai pamuti sa paa. "Lahát sila ai magaganda patí ng isang hindi nagkapálad; pahintulútan akong magnasa na inio siang mabago."
"Hindi po maari, mahal na maginoo," ang sagut ng inahin; "hindi nga magandá nguni at mabait mainam lalangoi, kasin dikit ng ibá, at masasabiko pang, marikít pa sa ibá; sapantaha ko po, ai gaganda paglakí at liliit ng kaunti sa haba ng panahon; natagalang nátira sa itlog at kaya nga hindi nagkaroon ng mabuting kías!" at binátak sa líig at pinakínis ang balahibo. "At saka po ai sia'I isang itik na lalaki," ang idinugtung nia; "at dahilan doon ai ualang malakiag mauauala. Sa banta ko po ai totoong lálakas, magaling na pong sisísid. "
"Ang ibang mga bibi ai kaligaligaya" ang uika ng matanda. "Ypalagai niniong kayo'i nasa sarili, at kung kayo'i mai matagpuang ulu ng igat ai maibibigai ninió sa akin."
At lumagai nga silang para sa sarili.
Nguni at ang kaauauang bibi na huling napisa na pangit na lubha ai pinagkagátan, túlakan, tuyáan at hindi lamang ang mga itik kundi patí ng mga manok. "Napakalakí," ang sabi nilang lahat at ang payo na nagaakala na sia'i emperador dahil at sumiput sa mundó na mai tahid, nangali­sag na parang sasakiang kadkad ang lahat ng láyag tinungo sia, pinaltok sia, kaya nga at namula ang liig. Di nga maalaman ng kaauáauang bibi kung saan tatayo ó tutungo; malumbai nga siang totoo dahil sa kaniang kapangitan at dahil sa sia'i pinaglilibákan ng tanang kaitikan.
Gayon nakaraos- ang unang arao, nguni at nalalaon at nalalaon ai lalong sumasama. Lahat ai nagtatabuyan sa bibi, at pati nga ng mga kapatid ai naiinip sa kania at laging sabisabi: "Madakip ka sana ng pusa, ikau pangit na kulugu!" at and uika ng iná: "Lumayas ka sana lamang ng malayu!" Pinagtutukáan sia ng mga itik, at sinasabong ng mga manok at tinatadyakan sia ng alilang babai na nagpapatuka sa mga hayop.
Lumipad nga sia at nagtanan sa kulungan; naglipárang gitlá ang mga ibon sa mga túmuk.
"Ya'i nangyayari dahil at ako'i totoong pangit!" ang isip-isip ng bibi, at pumikit at lumipad ng lumipad; at dumating nga sa kumunoi doon sa tirahan ng mga patong gubat. Dito sia tumirang magdamag, pagod siang labis at lubhang malumbai.
Sa kinaumagahan ai nangagising ang mga patong gubat at pinagmas'dan ang bagong abai. "¿Ano ka?" ang tanong nila, ang bibi ai nagbigai ng magandang arao sa lahat, at pinagbuti ang pagbati.
"Napakalabis ka kapangit!" ang sabi ng mga patong bunduk. Nguni at pababayaan ka namin kung huág ka lamang magaasaua sa isa sa aming an'kan." Malayu nga sa isip ng kauaauang bibi ang magasaua, pahintulútan lamang siang umupu sa balangot at uminom ng kaunting tubig sa ku­munol.
Nátira nga sia doong dalauang arau. Nagkataon namang dumating ang dalauang gansang bú­kid, ó lalong malinao dalauang gansang lalaki bulubundúkin; di pa nga nalalaong sila'i napisa sa itlog; at dahilan dito sila'i totoong matatabil.
"Pakingan mo, abai" ang uika nilá, "Ykau ai napakapangit na sukat naming mabatá ibig mong sumama at maging ibong gala? Dito sa malapit ai mai isang kumunoi na tinitirahan ng ilang magagandang gansang bunduk, dalagang tanan na nakapagsasabi ng "Rapp." Ykau ai nasasalagai na magaua mo ang yong palad, pangit ka mang labis!"                                                                                                    
"Piff, paff, " ang pumutuk at ang dalauang gansang bunduk ai nahulug na kapua sa balangot, at sa dugu ai namulá ang túbig. "Piff, paff," pumutuk na muli, at nagliparán ang kabanang gan­sang gubat sa mga balangot, at putukang muli. Yao'i isang pangangasong malakí, ang manganga­so'i naglibot sa kumunoi, at ang iba'i nangagupu pa sa mga sanga ng kahoi na nangagduklai sa tubig; kumalat ang azul na úsuk na anaki'i alapaap sa madidilim na kahoi hangang sa tubig; lumu­sung sa tubig ang mga aso; platseh, platseh!-ang balangot at kauayan ai nahaui sa magkabikabila. Natakut ngang lubha ang abang bibi; ibiniling ang ulu ng maitago sa ilalim ng pakpak; siang pag­kakita sa piling nia ng isang kakilakilabot na malaking aso; lailai na mahaba ang dila at nagbabaga ang matá na nakatatakot; iniakma ang kaniang bibig sa bibi ipinakita ang matulis niang ngípin at ­platseh! platseh! lumampas na hindi sia sinakmal.
"O salamat sa Dios!" ang idinaing ng bibi, "ako'i totoong napakapangit na ang aso ma'i di makakagat sa akin!"
Nátira nga siang tahímik, samantálang humuhugung sa mga balangot ang ulan ng bala at nag­susunudsunud ang putuk.
Nang matanhalian lamang tumahímik nguni at di makapangahas umultao ang kaauaauang batang ítik: nagantai pa siang ilang oras, hago tumingin sa palibot, at nagpakadaling lumabás sa kumunoi' lumipad ng lumipad sa bukiran at damuhan, at nagkataon namang naghahangin, kaya nga at sia'i nahirapan bago makalayo sa kinalalagian.
Nang magdadakong hapon ai dumating sa isang maliit na kubu napalugsu na, at tumatayo pa lamang dahilan at tila pa nagiisip kung saan sia bubual. Sa hinugung-hugung ng hangin ai napilitan ang bibing bumaba at mangapit sa kubu; nguni at lumalalo ng lumalalo; nguni at namalas nia na ang pinto ai nakalinsad sa isang bunsuran, at biting pakiling na makapapasok sa loob ng bahai kung magdaraan sa butas at sia nga niang brinaua.
Dito namamahai ang isang matandang babai kasama ang kaniang pusa at ang kaniang manok, at ang pusang tinatauag niang bunsung-anak, ai marunung mamaluktut, mangalisag, at kung min­san ai nagpapaalipato, nguni at nagkakailangang himasin ang balahíbo ng ito'i mangyari. Maliliit at maiikli ang mga kalis ng manok. Kaya nga't sia'i pinangangan'lang "budigos-maikling paa"; umiitlog na mabuti at máhal sia sa babai na parang tunai na anak.
Sa kinaumagahan ai napansin kapagdaka ang bagong datíng na bibi, nangalisag nga ang pusa, at ang manok ai nagpuputak.
“Ano yan?" ang uika ng babai at tumingin sa palibot, nguni at malabu na ang kaniang matá at akala nia'i ang bibi ai isang matabang itik na doo'i naligau. "Yto ai isang katuatuang huli!" ang uika nia. "Ngaion ako'i magkakaroonng itlog ng itik. Huag sana lamang siang isang ítik na lalaki. Ya'i ating matitik'man."
Tatlong lingo ngang pinagbantayan ang bibi nguni at ualang sumiput na itlog. Namiminunu sa bahai ang pusa at ang inahin ai parang panginoong babai at lagi nilang sinasabi: "Kami at ang kagaling-galingang kabiak ng mundo. Nguni at ang sabi ng bibi ai ang ibang tao ai mairoon din namang ibang akala, nguni at ito'i hindi mapalampas ng manok.
"Nakaiitlog ka ba?" ang tanong nia. "Hindi!"
"Kung gaio'i itahan mo ang bunganga mo!"
At ang uika ng pusa: "Marunong ka bang mamaluktut, mangalísag at magpaalipato?" "Hindi!"
"Kung gaio'i hindi ka dapat sumabat pag nagsasalita ang mga matitinong tao."
Umupu nga ang bibi sa isang súluk at masama ang kaniang loob; sumaloob nga sa kania ang malamig na hangin at ang liuanag ng arau; pinasúkan sia ng malaking nasang lumangoi sa tubig at di sia nakapagpígil na ito'i salit'in sa manok.
"Ano ang naiisípan mo?" ang tanong nito. "Ykau ai ualang magaua, kaya ka sinusumpong!"
Umitlog ka o ikau ai mangalísag at lalampasan ka ng tuksú."
"Nguni at totoong mainam ang lumangoi sa tubig," ang sagot ng bibi, "kaligayang pasabuyin sa ulo at saka sumisid sa kailaliman.
"Sia nga, anong laking kalibangan!" ang uika ng manok. "Ykau ai ulul ngang tunai! Ytanong mo lamang sa pusa, sia ang karunungrunugang pusang aking nakilala, itanong mo kung ibig niang lumangoi sa tubig ó sumisid; di ko na ibig bumangit sa aking sarili. Tanongin mo nga patí ng ating panginoon, ang matandang babai ualang dudunung sa kania sa ibabao ng lupa. Akala mo bang mai nasa siang lumangoi ó ilubog ang ulu sa tubig?"
                                                                                                                   ~ 
         "Di ninió natatalastas ang ibig kong sabihin," ang uika ng itik.
"Anó, hindi kami nakatatalastas? At sino pa ang makatatalastas sa yo? Banta ko'i di mo íbig sabihin na ikau ai marunung pa sa pusa at sa babai, hindi ko na ibig bumangit sa aking sarili. Huag kang magpalalo, bata, at pasalamatan mo ang mahal mong Maikapal dahil sa lahat ng biaya na sa yo ai ibinigai. Hindi ka bagá nakarating sa isang mainit na bahai, at di ka bagá nakikisalamuha sa mga taong yong mapupulútan? Nguni at ikau ai isang matabil lamang at hindi mabuti na sa yo'i makisama. Mapaniniualaan mo ako, mabuti ang tanka ko sa yo, mapapait ang sa yo'i aking sina­sabi nguni at dito mo mapapagkilala ang mga túnai na kaibigan! Pangusiuaan mong matutunan ang pagitlog, ang pangangalisag ó pagaalipato."
"Sapantaha ko'i ako'i maglalagalag sa mund6," ang sabi ng itik. "Oo nga, lákad na!" ang sagot ng manok.
Lumákad na nga po ang bibi; lumangoi sa tubig, sumísid, nguni at dahil sa kaniang kapangi­tan ai di sia alumana ng lahat ng hayop.
Ngaion nga dumatíng ang taglamig, nanilau at nangitim ang mga dahon sa gúbat, linágas silá ng hangin na nagiilandangan, at doon sa papayirin ai guminau na nga; mabibigat na nagbítin ang mga alapaap na punu ng túbig na buu at busílak, at mai isang nakatuntung sa bakod na isang uak na napapahiau sa ginau: "naku, naku!; oo nga ang umísip lamang doon ai nakapangangalos. Ang abang bibi ai totoo manding naghirap. Ysang hapon, ng makalubug na ang arau, dumating ang isang kában ng madidilag at malalaking ibong gáling sa túmuk; gaion kaganda ai hindi nakakita kailan man ang bibi. Sila'i nakasisilao sa puti, mahahaba at malalantik ang liig, silá nga ai mga Cisne. Ang huni nilá ai kaibá, ibinubuka ang madidilag at malalapad na pakpak, at saka nagliparan lumayu sa malamig na lupa patungó sa maiinit na mga lupain, sa malalauak na dagat. Sila'i nangagsipaímbulug na matáyug, at pinasúkan ng katakátaká sa loob ang pangit at maliit na ítik: nagpaikitikit na tila gulung sa túbig, itinuid at itinaas ang líig na parang pasunud sa kanilá, at sumigau ng matunug at kataká-taká na natákut sia sa kania ding sarili. Oh! hindi nga nia malimu­tan ang mga magagandá at mapapálad na ibon, at ng hindi na nia abutin ng tingin ai sumísid siang matuid hangan sa kailalíman, at ng sia'i muling lumitao, ai totoo mandin siang nabagúhan. Di nga tanto ang ngalan ng mga ibon, ni kung saan silá palipad, nguni at hilig ang loob nia sa kanila na di bagá paris sa iba. Di naman nia sila kinaiingitan; paanong papasapanimdim nia ang magnasa ng gaiong karik'tan. Ykinatua sana niang lubus, kung sia man lamang abá at pangit na hayop, ai pinagbatahan ng mga ítik.         Lumala na nga po ang tagginau; ang bihi ai napipilítang maglalangoi palibut-libut upan ding mapígil na mamuu ang tubig, datapua at kumikipot ng kumikipot sa gabí ang uka na kaniang lina­languyan: ang ginau ai gaion kalakí na naglalagitíkan ang ielo; kauai din ng kauai ang paa ng ítik, ng huag siang makulung ng tubig na buu, nguni at ng malaon ai napagod, pumahinga at ang tubig ai namuu at nabilango sia sa ielo.
Sa kinaumagahang madaling arau, ai dumating ang isang magsasaká at sia'i nakita; linapitan nga sia at dinúnig ng kaniang chaping kahoi ang ielo, at inui sa bahai sa kaniang asaua ang bibi. Doon sia muling pinagsaul'an ng isip.
Ybig mandin siang paglaruan ng mga bata, nguni at ang akala ng bibi ai ibig siang sak'tan at lumipad sa takut sa kamau ng gatas, kaya nga nabubu sa bahai ang gátas; ang babai ai napasigau, nagdaop ang kamai, at ang bibi ai lumipad sa baril ng mantequilla, at saka sa paso ng gatas, at muling lumipad-lipad. Ynio sanang nakita. Humiyau ang babai, at hinampas sia ng sípit, ang mga bata ai nagtakbuhan sa lahat na ito, upan ding máhuli ang bihi; tauanan at sigauan! Palad mandin at bukás ang pinto, at sia'i sa gitna ng mga tuyong damo, sa bago kahuhulug na busilak ai naka­pagtago; doon sia humandusai na pagod na pagod.
Nguni at kung sasalit'in ang lahat ng hirap at sakit na binatá ng bibi habang tagginau, ai totoong makalulunkot. Nakahiga sia sa kumunoi, sa gitna ng mga balangot ng muling sumikat na masanting ang arau; naghuhunihan ang mga jilgueros, sapagka at yao'i masayang tagbulaklak.
Ngaion maipapagaspas na muli ng ítik ang kaniang mga pakpak, sila'i humúhugung na malakas sa dati, at ilinipad nga siang mabilís; at bago nga nia mapansin ai sumápit sia sa gitna ng isang malaking halamánan, na kinatataniman ng nangamumulaklak na punu ng manzanas, doon humahalimuyak ang lila at idinuduklai hangan sa pasíkutsíkut na mga bangbang ang mga maha­haba at murang sangá. Oh, doon nga maaliu at maligaya ang tagbulaklak! Nagkataon namang dumating na gáling sa isang kasukálan ang dalauang marilag at maputing Cisne; ipinapagaspas nilá ang kanilang mga pakpak at lumalangoi na marahan sa tubig. Nakilala ng itik ang mga magagan­dang hayup at sinidlan ang kaniang loob ng di masabing kahapisan,
"Ybig kong lumipad sa kanilá at lumapit sa mga ibong hari, at akoai kanilang sisilain, dahil at sa aking kapangitan ai nangangahas akong lumiping; nguni at ano kaya sa akin! Mabuti pang ako'i pataín nila sa himulmulan ng mga itik, sabungin ng mga manok, sikáran ng alilang babai na nagaalaga sa kulungan, at magbata ng hirap at kasalatan sa tagginau." Lumipad nga sia sa túbig at lumangoi na pasalubúng sa mga maririkit na Cisne; namalasan sia nitong silá at sinalubong siang pumagaspas ang mga pakpak. 
"Patain ninio ako!" ang uika ng abang hayop at iyinuku ang ulu sa salamin ng tuhig at nagantai ng kamatayan. "Nguni at anó ang kaniang nakita sa malinau na túbig? Nakita nia sa ila¬lim ang sariling larauan, na hindi isang magaspang at abuhing ilion na, pangit at nakasusuklam kundi isang cisne nga rin.
          Ualang nauauala ianak man sa kulungan ng itik, kung nalagai lamang sa itlog ng Cisne.    
          Ykinatua nga niang totoo ang lahat ng hirap at pagapí na kaniang binatá; ngaion lamang nakilala nia ang kaniang lualhati sa lahat ng mga karangalang tila humabati sa kania.
Lumalangoi sa kaniang palihot ang mga malalaking cisne at hinahaplus sia ng tuka.
At saka dumating sa halamanan ang ilang maliliit na bata na nagsabog sa tuhig ng tinapia at trigo, at sumigau ang kaliitliitan: "Ayon ang isang bago!" At ang ibang mga bata ai nakihiau patí:
          "Sia nga, mai isang bagong dumating!" "Nagpasaltak nga silá ng mga daliri at nagsayauan sa pali¬bot, nagtakbuhan sa ama at ina, at nagtapon sa tubig ng tinapai at bibinká at ang sabi nilang lahat: “Ang bago ang siang maganda sa lahat, bata at marikit!" At yumuyuku sa harapan nia ang
matandang cisne.
            Pinasukan nga sia ng hia at isiniksik ang ulu sa ilalim ng kaniang pakpak; di man nga nia naalamam kung anó ang sukat niang gagauin, totoo siang naliligayahan nguni at hindi nagpapalalo; sa pagka at ang isang mabuting pusu ai kailan mai hindi nagiging palalo! Ynaala-ala nia na sia'i pinaghagáran at pinagtuyaan, at ngaio'i naririnig nia na sia rau ang kagandagandahan sa lahat ng ibon; pati ng lila ai yumuyuku sa kania pati mga sanga hangang tubig, at ang arau ai sumisikat na mainit ng kainaman. Ypinagaspas nga nia ang kaniang mga pakpak itinaas ang malantik na líig at isinigau nia ng boong pusu: "Ganito kalaking tua ai hindi ko man lamang napanaginip niaong ako'i isa pa lamang na pangit na ítik itíkan!"
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento