Martes, Nobyembre 8, 2011

Ang Punu ng Pino

Isinalin sa Tagalog ni Jose Rizal

(Sa lahat ng mga pamankin sa Paskó ng Panganganak)

DOON SA LABAS sa kagubatan ai mai nakatanim na isang magandá at maliit na punu ng pino: mabuti ang kaniang kinalalagian, nagtatamó ng arau, di nagkukulang sa hangin, at sa palíbut nia’i, mai nangatayo pang ibang malalaking kasama manga pino at fichten. Nguni at ang maliit na punu ng pino’i ualang minamabuti kundi ang paglakí; di nia pinahahalagahan ang mainit na arau at ang malamig na hangin, di nia kinikibuan ang mga bata ng magsasaka na napaparoon at nagsasalitaan pag silai lumálabas mangunguha ng fresas at frambuesas. Malimit silang dumating taglai ang isang punung paliúkan o nagtúhug kaya sa dayami ng mga fresas at saka maguupuan sa tabí ng maliit na punu ng pino at sasabihin: “Anong inam na lingit nito!” Yto’i di matiis pakinggan ng kahoi.

            Sa sumunod na taon sia’i lumaki ng isang bukú, at isang tao’i humabang muli ng isa pa sapagka’t mabibilang sa mga bukú ng punu ng pino kung ilan nang taon ang kanilang tanda.      

            “¡O, malaking kahoi sana ako na paris ng iba!” inihihimutok ng maliit na kahuikahuyan. “Maibubuká ko sanang malayu sa palibut ang aking mga sanga at ang aking tuktuk ai makatatanau sa malayong mundo! Magsisipagpugad ang mga ibon sa aking mga sanga, at paghihip ng hangin ai ako’i kikilingikiling sanang marangal na paris ng iba!”

            Uala siang ligaya sa sikat ng arau, sa mga ibun at mapupulang alapaap, na umaga at hapon ai sa itaas nia’i nangaglalayag.

            Kung dumadaan ang tag-ginau at ang nieve (busilak?) ai lumalatag at kumikinang sa puti sa palibut, maliit dumaraang paluksú ang isang liebre sa ibabau ng maliit na kahoi. ¡O, yao’i nakakapagngalit! Nguni at nakaraan ang dalauang tag-ginau at sa ikaatlo ang kahuikahuya’t lumaki nang totoo na ang liebre ai napapalitang lumigid. “¡O tumaas, tumaas, lumakí at tumanda, yan lamang ang tunai na karikítan dito sa lupa!” siang iniisip ng kahoi.

            Sa taglamig ai laging dumadating ang magkakahoi at pumuputol ng ilan sa pinakamalalaking punu; taontaon ito’i nangyayari, at ang batang punu ng pino, na nagaio’i malaki na, ai pinangingilabutan; sapagkat nangabubual na naglalagitikan at nagkakalabugan ang mga matatayug at magagandang kahui, ang mga sanga’i pinuputul at ang mga punu’i tila nahuhubaran, namamayat at humahaba, halus din a sila makilala. Nguni at pagkatapus ai isasakai sila sa kariton, babatakin ng mga kabayo at ilalabas ng gubat.

            Saan paparoon sila?   Anó ang nagaantay sa kanila?

            Pag pamumulaklak ng mga haláman pagdating ng mga tagak (cigueña) at ng mga laying-layang, tatanungin sila ng kahui. “Di ba ninio alam kun saan sila dinalá? Nasalubung ba ninio?”

            Ualanag masabi ang mga layang-layang, nguni at ang tagak ai tila magninilai-nilai, itatangu ang ulu at magsasabi: “Oo, ang akala ko; mai nasalubung akong maraming nga bagong sasakian, ng ako’i lumipad na mangaling sa Egipto, sa ibabau ng mga sasakian ai mai nangagtayong maririkit na albor, mapaniniualaan kong sila nga yaon, sila’i mai amui sahing; sila’i binabati kong malimit nguni at nangagmamalakí, sila’i nagmamalakí.”

            “O, ako sana’i lumaki ng kainaman upang makapaglayag sa ibabau ng dagat. Ano nga bagang tunai yaon dagat, ano ang kaniang ayos?”

            “Sia nga, yai di madaling paliunagan!” ang sagot ng tagak at saka lumipad.
           
            “Kaligayahan mo ang yong kabataan!” ang sabi ng mga sikat ng arau; “Kaligayahan mo ang maaga mong paglaki, ang batang búhai na sumasayo!”

            At hinahalikan ang kahoi ng hangin, at dinidilig sia ng luha ng hamog, nguni at ito’i di inaantala ng punu ng pino.

            Paglumalapit na ang Pascó ng Panganganak, ai pinuputul ang mga batang-batang kahui, mga kahui na di mang lamang kasinglakí ó kasingtanda nitong punu ng pino na di tumitigil at di nagpapahinga, kundi laging nahihili; itong mga batang kahui na sia pa manding pinakamagagandá sa lahat, ai tinataglai ang lahat nilang sangá; isasakai sila sa kariton babatakin ng mga kabayo at ilalabas ng gubat.

            “Saan paparoon sila?” ang tanong ng punu ng pino. “Sila’i di malalaki kaisa sa akin, at ang isa’i kung magkataon ai maliit pa nga; bakit at di sila hinuhubdan ng mga sanga? Saan sila mangangariton?”

            “Ya’i alam naming! Ya’i alam naming!” ang irit ng mga maya. “Sa labak doon sa bayan, kami’i sumilip sa bintana! Alam namin kung saan sila mangangariton! O, sila’i nagkakamit na malaking karitiktan at karangalan, na di maabut maisip. Kami’i sumilip sa bintana at aming nasuliapan na sila’i itinatanim sa gitná ng mainit na salas at pinamumutihan ng marikit na bagai, mga manzanas na ballot ng gintu, mga matamis, bibinkang mai pulutpukyutan, mga laruan at mga libong ilau.”

            “At saka?” ang tanong ng punu ng pino na nangingilig sa lahat ng sanga.

            “Sia nga, iba sa dian ai uala na kaming nakita. Yao’i marikit na hindi matumbasan!”

            “Nalalaan baga kaya ako naman magdaan dito sa makinang na landas?” ang sabing mai tua ng punu ng pino. “Yto’i lalong magaling pa sa pumasa dagat. Anong pagkalunkut ko sa pagaantai! Dumating n asana ang pascó ng Panganganak! Ngaion mataas na ako at mayabung na paris ng ibang kinuha rito ng taong nagdaan! O, nakasakai na sana ako sa kariton nakatanim na sana ako sa mainit na salas punu ng lahat ng karikitan at karangalan! At saka? Sia at saka lalo pang magaling ang darating lalong magandá, at kung hindi, bakit nila ako pakakapamutíhan? Dapat pa ngang dumating ang ibang lalong marikit at marangal! Datapua at ano? Ay! ako’i nahahapis, ako’i nalulumbai, ako mai diko rin maalaman kung ano ang akin!”

            “Ykaligaya mo kami!” ang sabi ng hangin at nang luianag ng arau; ikaligaya mo ang mura mong kabataan sa gitna ng gubat!”

            Nguni at hinding hindi mandin sia nagsasaya; sia’i lumaki ng lumaki, tagginau at taginit ai nakatayu siang sariua; verdeng magulang ang kaniang kulai, at ang mga taon nakakamálas sa kania’i nagsasabi: “Ayan ang isang magandang kahui!” at sia ang unang pinutl pagdating ng pascó. Ang palakul ai bumaong malalim hanggang ubudl nabual nanagbubuntong hiningá ang kahui salupa, nakaramdam ng sakít, nangalambot, hindi nia maala-ala ang anomang ligaya, nalulunkut siang humiualai sa kaniang tinubuang lupa, sa lupaing kaniang sinibulan; talos na nia na di na muling kikitain ang mga liag at matatandang kasama, ang maliit na túmuk ang mga bulaklak na naglíbut, sia nga, at marahil pati ng mga ibon. Ang pagalis ay ualang anomang kasayahan.       

            Pinagsaulan lamang ng loob ng kahui ng sia’i maibaba na sa patio kasama ang ibang mga kahui, at narrinig ang sabi ng isang tao: “Yto ang maganda! Yto lamang ang aming kailangan!”

            At saka dumating ang dalauang alilang marikit ang gayak at dinalá ang punu ng pino sa isang malaki at magandang salas. Sa palibut ng mga dinding nagbitin ang mga larauan, at sa tabi ng malaking apuyang pingan, nakatayo ang dalauang malalaking tibul insik na mai leon sa sa mga panakip; doo’i  mai mga upuang uuga-uga, mga sofang sutla, malalapad na mesang punu ng mga librong malarauan, at mga laruang mai isandaang libong piso.

            Ytinayo ang punu ng pino sa isang malaking paso na punu ng buhangin, nguni at ualang makapagsasabi na yao’i paso, sapagkat pinalibutan ng mga papel at damit na verde at ipinatong sa isang malapat at sari-saring kulai na alfombra. O, anong pangangatal ng kahui! Ano nga kaya ang mangyayari? At pinamutihan sia ng mga alila pati ng mga dalaga. Sa isang sangá isinabit ang maliliit na lambat na ginupit sa papel na makulai, at ang baling lambat ai punu ng mga confites at mga matamis; binitinan ng manzanas at apúlid na balot ng gintu na tila doon din sumibul at itinaling mahigpit sa mga sangá ang mahigit na isang daang mapupula, azul at mapuputing ilau-ilauan. Manikaang tila mga tao - ngaion lamang nakakita noon ang kahui – ai naggagalauan sa mga sanga at doon sa itaas sa taluktuk ai itinali ang isang bituing oropel na kulai gintu. Yaon nga’i marikit, di masabing labis ng dikit!

            “Ngaion gabi” ang sabi ng lahat, “ngaiong gabi sia magliliuanag”

            “O,” ang iniisp ng kahui, “maging gabi na sana! Paningasin na sana agad ang mga ilau. At saka ano ang mangyayari? Mangagaling kaya bagang darating ang mga kahoi sa gubat at ako’i panonoorin? Maglilíparan kaya baga ang mga maya sa salamin ng bintana? Dito kaya baga ako mabubuhai at taglamig at tagarau ai tatayong mai pamutí?”

            Sia nga, hindi sia makasagot; nguni at sia’i pinagsasak’tan sa takupis dahil sa pagaantai, at ang sakit sa takupis ng mga kahui ai kaparis kasing sama sa ating ng sakit ng ulu.

            Ngaion pinaningasan na nga ang mga ilau. Anong liuanag, anong dikit! Pinanginginigan ang kahui sa lahat ng sanga, kaya nga at sinunug ng isang ilau ang dahundahunan; nasalab nga siang magaling.

            “Yadiá tayo ng Diyos!” ang sigau ng mga dalaga at inagapan siang pinatai.

            Ngaion hindi nga dapat manginig ang kahui. O, yao’i nakapangingilabut! Nakalulunkut sa kania ang pagkasirá nang alin man niang hias; sia’i nabubulagan sa lahat ng kaniang  ng kaniang dilag. Siang pagkabukas ng dalauang paipai ng pintu, at nagpasukan ang isang buntung mga bata, tila baga ibig nilang salakayin ang kahui, kasunud ang mga matatandang marahan at panimdim, ang mga maliliit ai napipi, ngut at sumandali lamang, kapagdakai sila’i nagsigauan na matutunug ang ingai, nagsayauan sa palibut na kahui, at sunud-sunud na pinagpítasan ang nangagsabit.

            “Ano ang ginagaua ninio?” ang ibig isigau ng kahui. “Ano ang mangyayari?” Nangauupus na ang mganga kandila hangang sanga, at kapag sila’i nauupus, ai agad pinapatai, at saka pinahihitulutan ang mga batang lusubin ang kahui. Gaion kadalas ang kanilang pagkukulumut sa kania, na ang lahat ng sanga ai nagiiritan; at kun hindi sana itinali sa bubung ang kaniang taluktuk ng bituing gintu, ai tunai sana siang nabual.

            Ypinagsasayauan ng mga bata ang kanilang maririkit na larauan sa palibut, sinoma’t ualang natingin sa kahui, maliban na sa matandang sisiua na lumapit at sumilip sa mga sanga; nguni at kaya lamang ai nang tingnan baka mai nalimutangn mazanas ó higos.

            “Ysang salita! Ysang salita!” ang hiyauan ng mga bata at hinila ang isang maliit at matabang lalaki sa tabi ng kahui, at sia nga’I naupu sa ilalim, “sapagkat” ang uika nia, “tayo sisilong, at ang kahui ai mai roon ding mapapakinabang, kung makinig! Nguni at isa lamang ang sasalit’in ko. Ybig ninió kai Yvede-Avede ó ang kai Klumpe-Dumpe na nahulug sa hagdanan nguni at pinarangal at tumangap ng isang Princesa?”

            “Yvede-Avede!” ang sigau ng ilan, “Klumpe-Dumpe!” ang sigau ng iba. Yao’i isang sigauan at hiyauan! Ang punu lamang ng pino ang hindi umimik at di kumibo at nagiisip: “Hindi ba ako kasali, uala ba akong sukat magagaua? Nakisama nga sia at pinaoohan ang anomang mangyari.

            Sinalita ng tao si Klumpe-Dumpe na nahulug sa hagdanan nguni at pinarangal at tumangap ng isang princesa. At ang mga bata’i nagpapakpakan at nagsisigauan: “Salita, salita!” At ibig nga nilang mapakingan ang buhai ni Yvede-Avede, nguni at uala silang narinig kundi ang kai Klumpe-Dumpe. Nakatayong pipi ang punu ng pino at nagninilai-nilai, kailan man ay di nakapagsalita ng kaparis ang mga ibon sa gubat. “Si Klumpe-Dumpe ai nahulug sa hagdanan at saka nagkamit ng princesa! Sia nga, sia nga ganian nga ang lakad ng mundo!” ganito ang isip ng punu ng pino at ang akala yao’i tunai, sa pagka at mahusai na tao ang nagsalita. “Sia nga, sia nga! Marahil ai mahulug naman ako sa hagdanan at magkaroon ng isang princesa!” At natutua siang sa susunud na arau sia’i pamumutihang muli ng mga ilau, laruan, gintu at mga bunga ng kahui.

            “Bukas hindi ako manginginig!” ang sabi nia sa sarili. “Ybig kong lasapin ang lahat na aking karangalan. Bukas maririning kong muli ang Salita ni Klumpe-Dumpe at marahil pati ng kai Yvede-Avede!” At tumayong magdamag pipi at maisipin ang punu ng pino.

            Nang kinaumaga’i nasok ang mga alila at ang dalaga sa loob.

            “Ngaion sisimulan na namang bago ang saya!” ito ang isip ng kahui; nguni at sia’i ilinabas sa salas, iniakiat sa itaas, sa kisami, at ilinagai sa isang súluk, doon sa hindi naaabot ng sikat ng arau. “Ano ang kahulugan nito?” ang sabi ng kahui. “Ano ang gagauin ko rito? Ano ang sukat kong maririnig dito?” Humílig siya sa pader at isip nang isip. At labi ang panahon nia sapagkat gabi at arau ai nagsipagdaan; uala isa mang umakiat at kung sakali at mai isang pumanhik ai kaya lamang ng maisiksik sa suluk ang isang malaking kahon; nakatago ngang lubus ang kahui at mapaniniualang sia’i kinalimutan.

            “Ngaio’i tagginau sa labas!” ang sabi sa sarili ng kahui. “Matigas ang lupa at balot ng busilak (nieve?), ang mga tao ai hindi makapagtanim; dahil dito ai ako’i itinatago hangang dumating ang tagbulaklak! Anong galing ng kanilang isipan! Anong buti ng mga tao! Kung hindi sana lamang dito madilim at katakuttakut na ilang! Uala isa mang maliit na liebre! Anong dikit nga doon sa labas sa kagubatan, paglumalatag ang busilak, at ang liebre’i dumadaang paluksú, at pag ako mai linalakduan, sia nga; nguni at noo’i  di ko yaon matiis. Dito sa itaas ai katakuttakut na ilang!”

            “Pip, pip!” iirit ang isang bubuit at lulundag sa tabi; at saka darating pa ang isang maliit.

            “Katakuttakut na ginau!” ang sabi ng mga bubuit. “Kung hindi ai mabuti sanang mátira dito, di nga ba, ikau, matandang punu ng pino?”

            “Ai, ako’i hindi matanda!” ang sagot ng punu ng pino; “mai marami pang lalong matanda sa akin!”

            “Saan ka nangaling?” ang tanong ng mga daga, “at ano ang nalaláman mo?” Sila’i labis mausisa. “Salit’in mo nga sa amin ang mga karikitdikitang lugar sa lupa! Nátira ka ba roon? Nakaparoon ka ba sa taguan ng ulam, doon sa mai kesong nakalatag sa tablá, at mai mga jamong nagbitin sa palupu, doon sa pinagsasayauan sa ilau ng kandila, payat kang papasuk at mataba kang lalabas?”

            “Ya’i di ko kilalá” ang sagot ng kahoi; “nguni at kilala ko ang gubat na sinisikátan ng arau at inaauitan ng mga ibon!” At saka sinalita niang lahat ang kaniang pagkabata, kailan ma’i di nakarinig kaparis ang mga bubuit, at sila nga’i nakikinig at maguiuika. “Anong dami ng yong nakita! Anong palad ang naging yo!”

            “Ako?” ang tanong ng punu ng pino at paguauariuariin ang kaniang sinalita. “Sia nga, tunai ngang silang masayang panahon!” At saka sinalita nia ang gabi ng pascó ng Panganganak ng sia’i mai pamuting mga bibinka at ilau.        
         
            “O,” ang sabi ng mga bubuit, “anong palad ang naging yo matandang punu ng pino!”

            “Hindi mandin ako matanda!” ang tugun ng kahui; ito lamang tagginau na ito nangaling ako sa gubat! Ako’i nasa kasaganaang panahon, ganito lamang ang sibul ko.”

    "Anong inam mong magsasalita!" ang sabi ng mga bubuit at sa sumusunud na gabi'i duma­ting silang kasama ang apat na ibang bubuit, na makikinig ng salita ng kahui, at lalong sinasalita nia lalong naaala-ala niang lahat na maliuanag at iniisip: "Masasaya nga palang panahon yaon. Nguni at sila'i makapagbabalík, makapagbabalík. Si Klumpe-Dumpe ai nahulug sa hagdanan nguni at nagkamit ng isang princesa; marahil ai ako'i magkakamit din ng isang princesa." At saka maala­ala nia ang isang maganda at maliit na Koles-Moluko (Lioka) na sumisibul rin sa labas sa kaguba­tan; yao'i para sa punu ng pino ai isang tunai at magandang princesa.

"Sino ba yaong si Klumpe-Dumpe?" ang tanong ng mga bubuit. Sinalita nga ng punu ng pino ang buung buhai, naaalaala nia pati ng kaliitliitang uika; tuatua ang mga bubuit na ibig luk­suhin ang tuktuk ng kahui. Sa sumunud na gabi nagsidating pa ang marami pang bubuit, at ng lingo ai dalaua pa manding malaking daga na nagsasabi datapua na ang salita'i hindi magandá, na ikinalunkut ng mga bubuit, sapagka't nang magkagayon, naual'an, din naman sa kanila ng halaga.

"Uala ba kayong nalaláman kundi isang salita?" ang tanong ng mga daga.

"Yisa lamang," ang sagot ng kahui; "sia'i narinig ko niaong kaligaligayahang gabi, nguni at noo'i hindi ko inakalang ako'i puspus galak."

"Ya'i isang ualang kasaisai-saisai na salita! Uala ba kayong nalalaman isang salita ng taba ng babui, at ilan ng sebo? Y sang salita sa taguan ng ulam?"

"Uala!" ang sagot ng kahui.

"Kung ganoo'i maraming salamat!" ang sagot ng mga daga at nagsibalik sa kanilang
mga lunga.

Ang mga bubuit ai nagsialis din naman pati, nang magkagaio'i nagbuntung hininga ang ka­hui: "Anong saya nga mandin ng sila'i naguupuan sa aking palibut, silang mga malilikut na bu­buit, at pinakikingan ang aking pagsasalita! Ngaion ito nama'i lampas na! Nguni at di ko lilimuting ito'i kaligayahan pag ako'i inalis dito!"

Datapua at kailan ito nangyari? Sia nga, isang umaga, nagdatingan ang mga tao at lininis ang kisami; inalis ang mga cajon, ilinabas ang kahui; inihagis siang bigla sa sahig, nguni at inihulug sia sa hagdanan ng isang alila, doon sa naliliuanagan ng arau.

"Ngaion mabubuhai tayong muli!" ang isip-isip ng kahui; narandaman nia ang malamig na hangin, ang mga unang sikat ng arau, at ngaio'i inilabas sia sa patio. Ytong lahat na ito'i nangya­ring mabilis, ang kahui nakalimut magmalas sa sarili sa karamihan ng mamalasin sa paligid. Ang patio'i karugtung ng isang halamanan namumulaklak na lahat; nagtayong sariua ang mga rosas at bumabangong masangsang hangan sa labas ng bakod, nagsisipamulaklak ang mga tilo, at nagsasa­limbayan ang mga layang-layang at naghuhunihan.: "Kuirrebirrebit, ang aking tao'i dumating na!" Nguni at hindi ang punu ng pino ang ibig nilang sabihin.

"Ngaion ako mabubuhai!" ang hiau niang mai galak at ikinadkad ang kaniang mga sanga; nguni at sa aba, tiu at madidilau silang lahat; at sia'i nakahandusai doon sa gitna ng mga kalit-kalit at mga lipá. Ang bituing oropel ai nakatayu pa doon sa itaas sa taluktuk at kumikinang sa maliua­nag na sikat ng arau.

Sa patio mai nagsisipaglaro ang dalaua sa mga batang nagsayau sa ligid ng kahui at natua sa kania niaong pascó ng Panganganak. Ysa sa kaliitliitan ai tinakbo sia at linagot ang bituing gintu.

“Tingnan mo kung ano ang natitirá pa sa buluk at matandang punu ng pino!" ang sabi nia, at niyurakan ang mga sanga na naglalagitikan sa yapak ng kaniang mga botas.

Tinitingala ng kahui ang lahat ng ganda at kasariuaan ng mga bulaklak sa halamanan, nagma­masid sia sa sarili at ninanasa na sia sana'i natira sa madilim na suluk doon sa taguan; kaniang ina­ala-ala ang sariua niang kabataan sa gubat, ang masayang gabi ng pascó ng Panganganak at ang mga maliliit na bubuit na masayang nagsipakinig ng buhai ni Klumpe-Dumpe.

"Lipás na, lipás na!" ang sabi ng kaaua-auang kahui. "Kinaligayahan ko sana niaong naaari pa! Lipas na, lipas na!"

Ang alila'i dumating at pinagputul-putul ang kahui ng maliliit na pirasu at binigkís; maningas siang nagalab sa ilalim ng taliasin pakuluan. Naghihimutuk ang kahui at balang isang himutuk ai katutad ng isang mahinang putuk; kaya nga naglapitan ang mga bata, na doo'i nagsisipaglaro hina­rap ang apui, sinilip at nagsigauan: "Piff, paff!" Nguni at sa bauang isang putuk, na malalim na buntung hininga ai inaala-ala ng kahui ang isang hapun ng tagarau sa gubat, o isang gabi kaya ng taggirau doon sa labas; inaala-ala ang gabi ng pascó ng Panganganak at si Klumpe-Dumpe ang kaisa-isang salita na kaniang napakingan at narurunungang salitain-at saka na tipug ang kahui.

Ang mga bata'i naglalaro sa halamanan, at taglai ng kaliitliitan ang bituin gintu sa dibdib na dinalá ng kahui niaong kaniang kasayasayahang gabi; ngaion lumipas na sia, lumipas na pati ng kahui, at pati ng salita; tapus na, tapns na at gaion ang nangyayari sa lahat ng salita!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento