Martes, Nobyembre 8, 2011

Si Gahinalalaki

Isinalin sa Tagalog ni Jose Rizal

(Sa mga pamanking babai)

MAl ISANG BABAl, na totoong nagnanasang magkaroon ng isang anak-anakan nguni at di nia maalaman kung saan sukat kunin. Naparoon nga sia sa isang matandang bruha at nagsabi        
           
            "Mamatamisin ko sana sa pusu ang isang anak-anakan ¿masasabi mo baga sa akin kung saan ko sia kukunin?"

"00 nga, tayo'i madaling magkakasundo!" ang sagut ng bruja. "Naito ang isang bútil ng cebada; ito ai hindi mandin kaparis ng tumutubu sa bukid ng magsasaká ó ng ipinatutuka sa mga manok; itanim mo ito sa isang masetas, at ikau ai mai makikita at matatamo!"

Salamat sa yo ang sagut ng babai at binigian ang bruha ng sikolo, at saka umui sa bahai itinanim ang butil ng cebada, at kapagkaraka'i sumibul ang isang marikit at malaking bulaklak; anaki sia ai isang bulaklak ng baino, nguni at ang mga daho'i pugung na mahigpit tila baga sia nasasabuku pa.

 "Marikit na bulaklak!" ang sabi ng babai at hinalikan ang kaniang mga mapupula at madidi­lau na dahon, at kapagkaraka, sa kaniang paghalik, ai nabuka at pumutuk ang bulaklak. Yao'i isa ngang tu'nai na baino at mapagmamasdan, nguni at sa gitna ng bulaklak, sa ibabau ng úbud ai nakaupu ang isang maliit na batang babai, magandá at marikit; sia'i di malapad at di mahaba sa isang hinlalaki kaya nga Gahinlalak í ang ipinangalan sa kanía.

            Ysang marikit at binuling balat ng niog-niogan ang ibinigai sa kaniang tulugan, azul na mga dahon ng bulaklak ng violeta ang panapin at isang dahon ng rosa ang kumut. Doon sia natutulug kung gabi, nguni at kung arau ai naglalaro sia sa ibabau ng mesa, na linalagian ng babai ng isang pingang ligid ng tuhug-tuhug na bulaklak na naglubug sa tubig ang mga tankai, sa ibabau ng isang doon lumulutang na dahon ng baino umuupu si Gahinlalakí at nagpapatauid-tauid sa kabika-bi­lang tabi ng pingan; dalauang mapuputing kiling ng kabayo ang kaniang mga saguan. Yao'i anong dikit kung pagmasdan. Sia'i marunung namang uniauit, at mainam at matamis na uala kayong kaparis na maririnig. 


            Minsan isang gabi, nang sia'i natutulug sa kaniang marikit na hihigan, mai nasuk na paluksu¬luksung isang palaka sa bintana na mai basag na isang salamin. Ang palaka'i pangit, malaki at basa, sia'i tumalon sa mesa na kintutulugan ni Gahinlalakí balot ng mapulang dahon ng rosas.


           "Maging asaua sana ng aking anak itong magandang babai!" ang sabi ng palaka, at kinuha ang balat ng niog-niogan na kinahihimbingan ni Gahinlalakí at lumuksu sa basag na salamin ng bintana, at bumaba sa halamanan.
   
          Doo'i mai umaagos na isang malaki at maluang na ilog; nguni at ang pampang ai putikan at lúsak; dito natitirá ang palaka at ang kaniang anak. Hu, ito'i pangit, nakasusuklam at kaparis ng kaniang ina. "Kokak, kokak, brekkekekex!" Yto lamang ang kaniang nasabi ng kaniang makita ang maganda at maliit na dalaga sa balat ng niog-niogan.


         "Huag kang kaingai magsalita at magigising!" ang sabi ng matandang palaka. Tayo'i malala¬yasan pa nia dahil at totoong magaan, anaki'i dapulak ng Cisne. Atin siang ilagai sa kalapadla¬paran dahon ng loto o nenúfar sa ilog, na aariin niang pulu dahil at sia'i magaan at maliit, doon di sia madaling makakaalpas samantalang ating ihahanda ang salas sa ilalim ng putikan ating tinitira¬han."


          Maraming nenúfar ang sumisibul sa ilog, malalapad at verde ang dahong tila baga lumulutang sa ibabau ng tubig; ang dahong pinakamalayu ai pinakamalaki naman; doon naparoong lumangoi ang matandang palaka at ipinatong ang balat ng niog-niogan at si Gahinlalaki sa ibabau.


         Maagang nagising ang tao-tauhan at ng mamas'dan ang kaniang kinalalagian ai umiyak ng kahapis-hapis, sa pagkat uala kundi tubig sa palibot ng malaki at verdeng dahon, at sia'i hindi makaahon sa pampang.


        Nakadapa ang matandang palaka sa ilalim ng putíkan at linilinis ang kaniang bahai ng bala¬ngut at dahon ng kankong-dapat dau yaon dumikit para sa bagong manugang-at saka lumangoi sia na kasama ang kaniang anak, naparoon sa dahong kinalalagian ni Gahinlalakí.  Ybig nilang kunin ang kaniang magandang hihigan na ilalagai sa silid bago sia dito masok. Yumukung malalim sa tuhig, sa harapan nia ang matandang palaka at nag sabi: "Mas'dan mo rito ang aking anak; sia ang yong magiging asaua, at kayo'i mahuhuhai na mainam doon sa ilalim ng putíkan!"
   
        "Kokak, kokak, bekkerekekex"! ito lamang ang nasabi ng anak.


        Kinuha nga nilá ang maliit at magandang hihig'an, at lumayong palangoi; nguni at si Gahinlalakí ai nakaupung nagiisa at nagiiyak sa verdeng dahon, sa pagkat di nia ibig mátira sa bahai ng kasuklam-suklam na palaka 0 pakasalán kaya ang kaniang pangit na anak. Ang mga isda-isdang naglalanguyan sa ilalim ng tubig ai nakitang magaling ang palaka at narinig ang sinabi; kaya nga iniultau nila ang kanilang mga ulu, at ibig nilang makita ang maliit na dalaga. Mana'i ng kanilang masuliapan, nagandahan silang totoo at naaua sila sa kania dahil sa titira sa ilalim, sa pangit na palaka. Hindi nga, yao'i hindi maaari! Nagtipun-tipun nga siIa sa ilalim ng tubig sa palibut ng murang tankai, na nagtatangan sa dahon, ginitgit at pinutui ng kanilang mga ngipin sa punu, kaya nga   naanog na kasunud ng agos ang dahon, daIá si Gahinlalakí sa ibabau, sa malayo na di maaabutan ng palaka.


        Naglayag si Gahinlalakí at nagdaan sa tapat ng maraming malalaking bayan, at ang mga maliliit na ibon ai nangagtayo sa mga tankai ng kahuyan, at nagaauitan pag sia'i nakita: "Anong kaliag-liag ng maliit na dalaga!" Naanod at naanod na palagi ang dahon at lumayo, at lumabas sa kabayanan.


        Ysang marikit na paru-parong maputi lilipad-lipad sa kaniang palibut at saka dumapu sa dahon sapagkat natua sia kai Gahinlalakí. Yto nama'i totoong nagsasayá; sapagkat ngaio'i di na sia maaabutan ng palaka, at magandang totoo ang kaniang pinaparoonan; sumisikat ang arao sa tubig na kumikinang na anaki sapang ginto. Kinalag nia ang kaniang pamigkis, itinali ang isang dulu sa paróparó at ang kabila ai sa dahon; kaya nga ito'i lalong tumulin sa paglakad, at pati sia sapagkat nakalulan nga sia sa ibabau.


        Nagkataong dumating na lumilipad ang isang malaking salagubang, sia'i nasuliapan at kapag¬karaka'i niyapus ng kaniang mga paa ang binibini niang katauan at ilinipad sa itaas ng isang kahui; ang verdeng dahon ai naanod sa ilog na paibaba, kasama ang paróparó sapagka't ito'i nakatali sa dahon at hindi makakalag na magisa.


        Anong pagkagitlá ng kaauaauang si Gahinlalakí ng sia'i ilipad ng salagubang sa itaas ng   kahui! Nguni at lalong-lalu na ikinalulumbai nia ang maganda at maputing paró-paró na itinali nia sa dahon; kung sakali at di sia makakalag, ai mamamatai sa gutum. Nguni at ito'i di inaantala ng salágubang. Ydinapo sia sa kalakilakihang murang dahon ng kahui, binigian sia ng ubud ng bulaklak na makakain, at nagsabi na sia'i magandá bagamat hinding-hindi sia mukhang (katulad ng isang) salagubang. Malaonlao'i nagdatingan ang ibang salagubang na naninirá sa kahui at sia'i dina¬lau;     minasdan nila si Gahinlalakí, at binaluktut ng mga dalaga ng salagubang ang kanilang mga sungai-sungayan at ang sabi: "Uala mandin sia kundi dalauang paa; anong salantang-ayus." "Uala sia isa mang sungai-sungayan!" ang sabi ng isa. "Malantík mandin at maliit ang baiauang; pfui! anaki'i tao! Anong kapangit!" ang sabi ng lahat ng mga babaing salagubang, nguni at bago si Gahinlalakí'i  totoong maganda. Yto'i alam din naman ng: salagubang     na sa kania'i umagau, nguni at ng masabi ng iba na sia'i pangit, naniuala din naman sia ng malaun at ayau na siang ariin; pumaroon sia kung saan nia ibig. Ybinaba nga sia sa kahui, at ipinatung sia sa isang bulaklak ng margarita; doon sia nanangis dahil at sa kaniang kapangitan, na pati mga salagubang ai di sia ibig ariin. Nguni at ang tunai sia'i kaibig-ibig na di abuting isípan, kasing dikit at kasing linis ngkadikitdiki¬tang dahon ng bulaklak ng rosa.


        Nabuhai na nagiisa sa malauak na parang habang tagarau ang kaaua-auang si     Gahinlalakí. Lumala sia ng isang duyan sa tankai ng damó na kaniang ibinitin sa isang     kahuikahuyan sa ilalim ng isang gábi, at gaion sia nakasilong sa ulan; kinikitil nia ang ubud na matamis ng mga bulaklak ng makain at iniinom nia ang hamog na naglagai sa mga dahon sa tuing umaga. Ganoon lumampas ang taginit at ang mula ng taglamig. Nguni at dumating ang tagginau, ang malamig at mahabang tagginau. Lahat ng mga ibon, na nangagsihuning maaliu sa tabí nia'i nangagliparan, nangatuyu ang mga kahui at ang mga bulaklak; ang malapad na dahon ng gabi na kaniang sinilungan ai naluui at ualang natirá kundi isang madilau at tuyung tankai; naginau si Gahinlalakí ng katakuttakut, sa pagka at ang kaniang mga damit ai punit, at sia'i magandá at maliit na madaling malamigan. Umulan na nga ng busilak, at bauang busilak na lumagpak sa kania, ai para baga' kung tayo'i tabunan ng isang punung pala sa pagka at tayo'i malalaki at sia'i gaga isang tumuru. Nagbalot nga sia sa isang tiong dahon, nguni at ito'i di nakaiinit; sia'i nangangatal ng ginau.


        Sa tabi ng gubat na kaniang kinadatingan ai nalalatag ang isang malaking bukid, nguni at ang palai (trigo) ai malaon ng nagápas at ualang nangagtayu sa maginau na lupa kundi ang mga linis at tiong tankai. Sila'i para manding isang buung gubat na kaniang tatahákin at sia'i nangangatal ng ginau! Sumapit nga sia sa pintuan ng isang dagang bukid na mai isang lungaan sa ilalim ng mga tankai ng palai. Doon namamahai ang dagang bukid, mainit at mainam, punu ang kaniang bahai ng palai, masagana ang kaniang kusina at ang taguan ng ulam. Tumayu nga sa pintuan ang kaauaauang si Gahinlalakí kaparis ngang tunai ng ibang bata ng salanta, at humingi ng isang maliit na binlid. ng cebada, sa pagkat dalauang arau na hindi 'sia kumaain ng anomang bagai.


        "Ykau, maliit na bata!" ang uika ng dagang bukid, sa pagkat isa sia rin ngang mabuting matandang dagang búkid, "masuk ka sa mainit kong tirahan, at sumalo ka sa akin!"


        Dahil at sia'i natua kai Gahinlalakí, ai nagsabi: "Sa boong tagginau makatitira ka sa     akin, nguni at dapat mong linisin at ualisin ang aking bahai, pagsalitan ako ng mga buhai ng totoo kong ibig." Ginaua nga ni Gahinlalakí ang nais ng mabuting matandang dagang bukid, at bumuti ang kaniang lagai.


        "Ngaion magkakaroon tayong madali ng panauhin," ang sabi ng dagang bukid. "Ang aking kapit-bahai ai mai ugaling dumalau sa akin lingu-lingó. Lalong mabuti pa ang kaniang buhai kaisa sa akin, malalaki ang kaniang mga salas, at balot ng isang magandá at maitim na balat na terciopelo. Kung sia sana'i maging asaua mo, ai bubuti ang yong lagai; nguni at sia'i di nakakakita. Dapat mong salitain sa kania ang lalong karikitdikitang mga salita na yong nalalaman!"


        Nguni at di ito pinangungusiuaan ni Gahinlalakí, di nia ibig mapakasalan ang kapit   bahai, sapagka't ito'i isang topo ó magdudukal-lupa.


        Dumating ito dumalao bihís ang kaniang balat na terciopelo. Mayaman dau sia at     marunung, ang sabi ng dagang bukid, ang kaniang bahai ai maluang ng maikadalauang puo sa  bahai ng dagang bukid. Labis ang kaniang karunungan, nguni at di nia matiis ang arau at ang magagandang bulaklak, masamang totoo ang sinabi nia ukul dito sapagkat kailan mai ai di nia  nakita.


        Pinaauit si Gahinlalakí at ito nga ai umauit: "Lipad, salagubang!" at "Maglakad ang kura sa bukid!" Naibigan nga sia ng magdudukal-lupa dahilan sa matamis niang voces, nguni at     uala itong sinabi na anoman sapagka't sia'i isang     mapagnilainilai na tao.
       
        Mai hinukai siang isang bagong mahabang daan sa ilalim ng lupa mula sa kaniang   lunga hangan sa lunga ng daga; pinahintulutan nga nia ang dagang búkid at si Gahinlalakí na  magpasial doon kalimit nilá ibigin. Nguni at sinabi nia na huag katakútan ang isang buhai na ibon, na nakaratai sa daanan; yao'i isang buung ibon mai pakpak at tuka, na sa banta nila ai kamamatai pa at kalilibing pa doon pa nga mandin sa pinaghukayan ng daan.


        Ang topo ai nagtangai ng isang kaputul na buluk na kahui, na nagliliuanag ngang     parang apui sa dilim, nagpauna at tinanglauan silá sa mahaba at madilim na daanan.


        Nang sila'i makarating doon sa kinararatayan ng patai na ibon, itinuun ng magdudukal-  lupa ang malapad niang ngusu sa bubung at inunkal ang lupa, nang makagaua ng isang butas na  mapagdaanan ng liuanag na sisilang sa ilalim. Sa gitna ng daanan nakahiga ang isang patai na layang¬layang, pikpik sa tagiliran ang magagandang pakpak, ang mga paa at ulu ai tagu sa balahibu; masa¬sabing namatai sa guinau ang kahabag-habag na ibon. Yto'i ikinahambal ni Gahinlalakí, mahal sa kania ang lahat na mga mumunting ibon, silai nangagsihuni at nangagsiirit sa harapan nia habang tagarao; nguni at ang topo ai sinikaran ang ibon ng kaniang maikling paa at nagsalita: Ngaion hindi na sia nasipul! Ysa manding kahabaghabag na buhai ang lumitao sa lupang parang isang ibon! Salamat sa Dios at di magiging ibon ang alin man sa aking mga anak;  ang paris nitong ibon ai uala kundi ang kaniang kuibit, at namamatai ng gutum sa tagginau!"


        "Sia nga, ya'i masasabi ninio palibhasa kayo'i mapagisip na tao," ang sagut ng dagang búkid. "Ano ang ari ng ibon pagdating ng tagginau kundi ang kaniang kuibit? Namamatai sa gutum at ginau; datapua at ang buhai ai tila marangal, ang sabi!"


        Si Gahinlalakí ai hindi kumibu; nguni at ng matalikuran ng dalaua ang ibon, yumuku sia hinaui ang mga balahibong tumatakip sa ulu, at hinal'kan sa mga pikit na mata.


        "Marahil ai sia ang nagauit sa aking marikit ng tagarau," ang kaniang isip-isip. "Anong laking ligaya ang ibinigai sa akin ng sintang magandang ibon!"


        Tinakpan ng topo ang butas na pinagdaanan ng liuanag ng arau at inihatid ang mga babai sa kanilang bahai. Nguni at ng kinagabihan ai hindi makatúlug si Gahinlalakí, nagbangon nga sia at lumala ng isang malaki at magandang baníg na dinalá sa ibon, ikinumot sa kania, at linagian sa pa¬libut ang ilion ng malalambut na bulak na kaniáng nasumpungan sa bahai ng dagang búkid, upan ding huag totoong malamigan sa kinararatayang lupa.


        "Samáhan ka naua ng Dios, maganda't maliit na ibon!" ang sabi nia. "Samáhan ka naua ng Dios at salamat sa yong maririkit na auit ng tagarao, niaong mai dahon pa ang lahat ng kahui,  at mainit pang sinisikatan tayo ng arao!" At saka ipinatong nia ang kaniang ulu sa dibdili ng ibon, nguni at nagitla kapagdaka, sapagka at tila baga tumitibuk sa loob. Yaon nga ang puso ng ibon. Hindi pa nga patai angg ibon, sia'i hinimatai lamang, at ngaiong muling nainitan, ai pinagsaul'an ng buhai.


        Pag pasuk ng taglamig nangaglilipáran ang lahat na layang-layang tungu sa maiinit na lupa; nguni at itong isa ai nahulí, inabot nga ng ginau, at lumagpak na parang patai, nátira sa linagpakan at natabunan ng malamig na busilak.


        Nanginig si Gahinlalakí ng labis, sia'i gitlang gitlá, sapagkat ang ibon ai malaki, malaki ngang labis kaisa sa kania na gagadaliri lamang kalakí, nguni at nagtapang-tapangan, pinagiging binalot ng búlak ang láyang-láyang, kinuha ang isang dahon ng menta, na kaniang kumut, at itinakip sa ulu ng ibon.


        Dinalau niang muli sa sumunud na gabi, at natagpuan nga niang buhai, nguni at     mahinang- mahina, bahagia nang maimulat na sumandali ang mga matá at nating'nan si Gahinlalakí, na naka¬tayu sa harapan nia taglai isang kaputul na buluk na kahui, sapagkat at uala     siang ibang linterna.


        "Salamat sa yo, ikau maganda at maliit na bata!" ang sabi ng maisakit na layang-layang.


        Magaling akong nainitan; madaling pagsasaulian ako ng lakas at muling makapagpapalipadlipad doon sa labas sa mainit na sikat ng arau!"


        "0," ang sagot ni Gahinlalakí, "maginau doon sa labas, nahuhulog ang busilak at     namumuo ang tubig! Matirá ka sa mainit mong baníg, at aalagaan nga kitá!"


         Dinal'han nga nia ang layang-layang ng tubig sa isang dahon ng bulaklak, uminom nga ito at sinalita sa kania ang pagkakasugat ng isa niang pakpak sa tinikan, at dahil dito'i di sia nakalipad na mabilis paris ng ibang mga layanglayang, na nangagsilayu na, doon sa malayu, sa mga maiinit na lupa. Ng malaon nga ai nahulug sia sa lupa. Uala siang masabi kundi ito at di man nia matanto kung bakit sia hangan dito nakasapit.


        Tumirá sia doon sa ilalim habang tagginau, inaalagaan siang mahal ni Gahinlalakí, ni ang  topo ni ang dagang bukid ai uala mang namalayan, sapagka at hindi nga nila matiis ang kaauaauang layang-layang.


        Pagdating nga ng pamumulaklak ng mga kahui at pagsikat na maimt ng arau sa lupa, ai  nagpaalam ang layang-kayang kai Gahinlalakí, na bunuk'san ang butas gaua sa bubung ng  magdudukal¬lupa. Maaliu na pinasok sila ng sikat ng arau, at itinanong ng layang-layang kung ibig niang sumama; makauupu rau sia sa kaniang balugbug, at lilipad silá sa malayu, sa madahong gubat. Nguni at talos ni Gahinlalakí na ikalulunkut ng matandang dagang gubat ang kaniang  paghiualai.


        "Hindi, hindi ako makasasama!" ang sagot ni Gahinlalakí.


        "Paalam sa yo, paalam, ikau inabait at magandang dalaga!" ang sabi ng layang-layang at lumipad sa labas sa sikat ng arau. Sinundan sia ng matá ni Gahinlalakí at pinangiliran ng luha sapagka at mahal sa kaniang loob ang abang layang-layang.


        "Kuibit, kuibit!" ang huni ng ibon at lumipad sa makahui na gubat. Si Gahinlalakí ai     totoong nalunkut. Di sia pinahihintulutang pumaroon sa mainit na sikat ng arau. Ang pálai, na nakatanim sa bukid sa ibabau ng bahai ng daga, ai lumaki at tumaas na matayug; yao'i parang isang masúkal na kagubatan para sa kaaua-aua at maliit na dalaga na gagadaliri kataas.


        "Ngaion habang tagarau ai dapat mong tahiin ang iong damit na ipagkakasal!" ang sabi ng dagang búkid sa kania; sapagka at namulung na ang kapitbahai, ang nakaaantok na topong  gayak ang terciopelong itim. "Dapat kang magkaroon ng damit na lino at lana sapagka at di ka dapat magkulang ng anoman pag ikau ai naging asaua ng tópo!"


        Napilitan nga si Gahinlalakíng umupu sa ulakán, at ang dagang búkid ai umupa ng apat na gagamba na gabí at arau ai nag uulak at nag hahabi para kai Gahinlalakí. Gabigabi ai dinadalau silá ng topo at laging sinasabi na pagka ang tagarau ai matatapus na, ang arau hindi na totoong iinit, dahil at sa tagarau ai masanting ang sikat ng arau na paris nga ngaion; sia nga pagkalampas dau ng tagarau, ibig niang pakasalan si Gahinlalakí. Nguni at di ito ikinatutua ni Gahinlalakí, sapagka at di nia malunuk ang nakaantok na magdudukal lupa. Tuing umaga pagsikat ng arau, at tuing hapon paglubug nagaalpas sia at nálabas sa pinto, at saka paghumihip ang hangin at nahaui ang mga uhai ng palai, at nasusuliapan nia ang asul na langit, naalaala nia na maliuanag at maaliu doonsa labas, at ninanasang mahigpit na muling makita ang mahal na     layang-layang; nguni at ito'i di na muling bumalik, marahil ai sia'i malayo at lumipad sa maganda at madahong gubat.


        Nang dumating na ang panglalagas ng mga dahon, ai tapus na ni Gahinlalakí ang lahat niang damit-kasal.


        "Sa loob ng apat na lingo ai ikakasal ka!" ang sabi ng dagang gúbat. Nguni at si     Gahinlalakí ai nagiiyak at ang sabi ai di nia ibig ang nakaaantok na topo.


        "Schnikschnak!" ang sagot ng dagang bukid.


        "Huag kang magmatigas ng ulu at kakagatin ng mapuputi kong ngipin! Kagandang  lalaki ng magiging asaua mo! Ang reina mai uala ng gaiong maitim na balat terciopelo! Ang kusina nia at bodega ai punu. Ypagpasalamat mo sia sa Dios!"
       
        Ngaion ikakasal na silá. Dumating na ang topo, at kakaunin si Gahinlalakí; sia'i dapat tumira sa kaniang bahai doon sa malalim sa lupa, di na sia lálabas sa mainit na arau, sapagka at ito ai hindi matiis ng topo. Ang abang bata ai totoong malunkut; ngaion sia magpapaalam sa maligayang arau, na nakikita nia sa pintu ng bahai ng dagang bukid.
  
        "Paalam, samahan ka naua ng Dios, ikau maliuanag na arau!" ang wika nia at itinaas ang mga kamai sa itaas at lumakad ng ilang hakbang sa harap ng bahai ng dagang gubat;  sapagka at ngaion naani na ang palai ai ualang natitirang nagtayo kundi ang mga tiong dayami.  "Paalam, samahan ka naua ng Dios!" ang uika nia at linigid ng kaniang mga baraso ang isang maliit na mapulang bulak¬lak na dooi nakatayo. "Ypagkumusta mo ako sa maliit na layang-layang kung sakali at yo siang makita!"


        "Kuibit, kuibit!" humuning bigla sa itaas ng kaniang ulu, tumingala sia, yaon nga ang maliit na layang-Iayang na nagkataong dumaan. Natuang lubus si Gahinlalakí ng sia'i makita; sinalita nga nia na láson sa kaniang loob ang pakasal sa pangit na topo, at sia'i patirahin doon sa ilalim ng lupa, doon sa di naabut ng sikat ng arau. Di nga sia makapagpigil na umiyak.


        "Ngaion darating ang malunkut na tagginau," ang sabi ng maliit na layang-layang;   "ako'i lili¬pad na malayu doon sa maiinit na lupa, ibig mong sumama sa akin? Makauupu ka sa aking balugbug! Ytali mo lamang na mahigpit ang yong katauan ng yong pamigkís, at saka liliparan natin ang pangit na topo, ang kaniang madilim na bahai, lalampasan natin ang mga kabundukan at darating tayo sa maiinit na lupa, doo'i lalong marikit ang sikat ng arau, palaging taginit at laging mai mari¬rikit na bulaklak. Lumipad ka lamang na kasama ko, ikau mahal at maliit na si Gahinlalakí, na nagligtas sa aking buhai ng ako'i nakahandusai na parang patai sa madilim na lunga!"




        "Totoo nga, sasama nga ako sa yo!" ang sagot ni Gahinlalakí at umupu sa balugbug ng  ibon, ang mga paa sa tupi niang buntut, itinali ang kaniang pamigkis sa isang katibai-tibayang pakpak at saka lumipad na napaimbulug ang layang-layang, sa ibabau ng mga gubat at dagat, sa itaas ng matatayug na bundok na laging linalatagan ng busilak; nagiginau si Gahinlalakí sa malamig na hangin, nguni at nagsusumiksik sia sa maiinit na balahibo ng ibon at ualang isinusungao kundi ang malingit na ulu ng mapagmalas pagtakhan ang lahat ng mga karikitan.
   
        Dumating nga sila sa maiinit na lupa. Doon sumisikat ang arau na maliuanag na lalo, ang langit ai mataas na maikalaua at nagsisitubu sa mga hukai at mga buml ang magagandang verde at azul na uvas. Nangagbitin sa mga kagubatan ang mga dayap at dalandan, dito humahalintuyak ang mirto at menta, at sa mga lansangan nagtatakbuhan ang mga magagandang bata, kalaro ang mga malalaking sári-sáring kulai na para-paro. Nguni at ang layang-layang ai lumipad pa ng lumipad, at ang lupa'i sumayá pa ng sumayá. Nakatayu sa tabi ng isang azul na dagatan, sa lilim ng malalaki at mayayabung na kahui isang maputing nakasisilao na palasiong marmol ng una pang panahon. Gumagapang na napaiitaas sa mga haliging matatayug ang mga punu ng uvas; at sa kaitaasan ang mga pugad ng mga layang-layang, at sa isa nito namamahai ang layang-layang na nagdala kai Gahinlalakí.


        "Yto ang aking bahai!" ang sabi ng layang-Iayang. "Datapua at kung ibig mong piliin ang isa ng mga karikit-dikitang bulaklak na doon sa ibaba sumisibul, dadal'hin kitá doon; at lalagai ka ayon sa yong nasa!"


        "Anong kainam!" ang uika ni Gahinlalakí at nagpasaltak ng daliri.
   
        Doon nakahiga ang isang malaki at maputing haliging marmol, na nabual sa lupa at nagkatatlong piraso, nguni at sa mga pagitan nito nagsisibul ang magaganda, malalaki at mapuputing bulaklak. Ylinipad ng layang-layang na paibaba si Gahinlalakí at ilinagai sa isang malapad na dahon. Nguni at anong pagkagitlá nito! Doon sa gitna ng isang bulaklak mai nakaupong isang maliit na lalaki, maputi at malinao na tila baga bubug pútung nia sa ulu ang isang marikit na koronang ginto, at sa likod ai mairoong magagandá at masisinag na pakpak, at sia nga ai kasinglaki lamang ni Gahinlalakí. Yaon nga ang angel ng bulaklak. Sa bauat isang bulaklak ai mai tumitirang isang maliit     na lalaki a babai, nguni at ito ang naghahari sa kanilang lahat.


        "Sanctus Deus, anong gandá!" ang bulung ni Gahinlalakí sa layang-layang. Kinagulántang totoo ng maliit na principe ang layang-layang, sapagka at sa kaniang liit at kauntian ai ito isang malaking ibon; nguni' at ng masuliapan si Gahinlalakí ai natua siang lubus; kailan man uala siang nakita na kasing-gandang dalaga. Kaya nga inalis sa kaniang ulu ang koronang ginto at ipinatong sa kania, itinanong kung anó ang ngalan nia at kung ibig kayang pakasal, at maging reina ng lahat ng mga bulaklak! Sia nga po, ito'i iba ngang tunai sa anak ng palaka at sa magdudukal-lupa na mai damit ng maitim na terciopelong balat. Kaya nga pinaoohan nia ang marangal na principe at sa bauat isang bulaklak dumating na nangaling ang isang marangal na babai ó lalaki, labis ng ganda   na katuatua bauat isa'i maitaglai na alai, nguni at ang kagaling gaIingan ai dalauang magagandang pakpak ng isang malaki at maputing langao; ikinapit nga itong matibai sa likod ni Gahinlalakí, at ngaion ai nakakaluksu na sia palipat-lipat sa mga bulaklak. Nangagsayá nga silang totoo at inaui¬tan silang pinakainam ng layang-layang na nakaupu sa itaas sa kaniang pugad; nguni at sa loob nia ai malunkut sa pagka at mahal sa kania si Gahinlalakí at di sana ibig na hiualayan sia magpakailan pa man.


         "Hindi ka dapat magngalan ng Gahinlalakí!" ang sabi sa kania ng angel ng bulaklak.


         "Ya'i isang pangit na ngalan at ikau ai maganda. Panganganlan ka namin ng Maya."


        "Paalam sa yo, paalam sa yo!" ang sabi ng maIiit na layang-layang at lumipad na muling umalis sa maiinit na lupa at tungu sa malayo, sa Dinamarka; doon mairoon siang isang maliit na pugad sa ibabau ng dungauan na tinitirahan ng taong marunung magsalita ng mga sarisaring buhai, umauit sa kania ng "Kuibit, kuibit!" Kaya nga naalaman namin ang buung salita.


Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento